Naiinis ako sa nalaman ko sayo, para kang GAGO makasabi ng mali ng iba, pero ikaw mismo mas makasalanan kesa samin. ANG LINIS mo! Mas bawal na nga yung ginagawa mo kumpara samin, nangingialam ka pa ng gamit ng iba… wallet, cellphone, ano pa ang susunod? ASTIG mo din no? Madami ka ngang kakilala kasi ang galing mong mamplastic, iilan lang naman kaibigan mo, binabawasan mo pa -_- AYOKO NA SAYO!
Kung yung mga anak nga nagagawang taguan yung mga magulang nila ng sikreto, ikaw pa kayang kaibigan. Kung tunay at tapat kang tao, may sapat kang tiwala sa mga kaibigan mo kahit na hindi lahat ng sikreto nila nasasabi nila sayo. Kaya nga naimbento ang salitang PRIVACY di ba? at RESPETO.
Di naman sa walang balak magkwento ng sikreto, Di rin naman sa gustong magsinungaling, kaya nga pinipilit na wag pagusapan para di na lang makasakit ng damdamin ng iba o makabigat pa ng sariling dalahin. Bakit naman kelangan ungkatin ang lahat, di ba lahat ng bagay may tamang panahon? Kung nawala yung tiwala mo dun sa tao, hindi ba mas masakit ang mapagdudahan at ikaw pa ang nagsimula ng paraan para sirain yung pagkakaibigan niyo?
Di porket madaming kakilala, madami ng friends, pasalamat ka kung may isang taong nagbibigay ng tiwala sayo kaya respetuhin mo, ANG KANYA AY KANYA! Wag masyadong nangingialam.







